Napanatili ng Bagyong ‘Auring’ ang lakas nito habang papalapit ng Bohol.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA kaninang ala una ng madaling araw ay namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometers South Southeast ng Maasin City sa Southern Leyte.
Taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 75 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong patungong west northwest sa bilis na 7 kilometers per hour.
Naglandfall ang Bagyong ‘Auring’ sa Siargao Island sa Surigao del Sur kahapon ng hapon.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com