Bagong political ad ni Sen. Grace Poe, idinepensa

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 1058

GRACE-POE
Idinepensa ng kampo ni Senador Grace Poe ang bago nitong political advertisement.

Ayon sa tagapagsalita nitong si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, dumadaan sa masusing pagbusisi ng mga television network ang bawat patalastas na lalabas sa kanilang istasyon.

Kaya naman kumpyansa siyang naayon ang nilalaman nito sa strict ethical standard ng bawat network.

Mapapanood sa naturang political ad ang pagkukumpara sa disqualification case ng senadora sa naging kaso ng kanyang amang si Fernando Poe Jr.

Tags: ,