Bagong kampanya ng AFP laban sa terorismo, ilulunsad sa Lunes

by Radyo La Verdad | January 3, 2017 (Tuesday) | 977

ROSALIE_AFP
Nakatakdang ilunsad sa Lunes, January 9 ang bagong kampanya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ipapalit sa Oplan Bayanihan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, nakapaloob dito ang detalye ng campaign plan ng AFP laban sa terorismo.

Ang bagong kampanya ng AFP ay alinsunod rin sa patuloy na usapang pangkapayapaan sa communist rebel at repleksyon ng direktiba ni Pangulong Duterte sa militar na suportahan ang peace talks.

Tags: ,