Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oath-taking ng dalawa niyang bagong talagang miyembro ng gabinete na sina Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin at Social Welfare Secretary Rolando Bautista sa Malacañang kagabi.
Si Locsin na dating Philippine Envoy to the United Nations ang humalili kay Alan Peter Cayetano matapos magsumite ng kaniyang kandidatura para sa 2019 midterm elections.
Si Bautista naman na kareretirong Philippine Army chief ang pumalit kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo.
Tags: DFA Sec. Locsin, DSWD Sec. Bautista, Pangulong Rodrigo Duterte