Nakalagay sa baba ng kaliwang balikat ang mga body camera ng police Pasig na nagsagawa ng checkpoint sa may Oranbo Drive, Shaw Bouevard at Oplan Galugad sa Pineda, Pasig kahapon.
Ayon kay Pasig Chief of Police PSSupt. Orlando Yebra, 48 na body camera ang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang alkalde na nagkakahalaga ng labing pitong libong piso kada isa.
May kakayahan itong magrecord ng video ng dire-diretsong apat na oras, may infrared kayat maliwanag sa gabi ang kuha ng video, water proof kayat pwedeng gamitin kahit umuulan, wide angle at may 10-15 meters face recognition.
Hindi rin aniya ito maaaring i-edit o burahin ng mga pulis kung hindi ilalagay ang micro SD sa laptop o computer. Pagkatapos aniya ng operasyon ay obligado ang mga pulis na i-save sa kanilang computer sa headquarters ang mga nakuhang video .
Sinabi naman ni NCRPO Chief PDIR Oscar Albayalde na mananagot ang pulis kung walang laman ang kaniyang body camera. Pabor naman ang mga motorista partikular ang mga motorcycle rider sa checkpoint ng mga pulis na may suot na mga body camera.
Maging ang pinuno ng NCRPO ay mas pabor sa pagkakaroon ng body camera sa lahat ng operation.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: body camera, checkpoint, Pasig Police