Sentro pa rin ng debate sa senado kahapon kung papaano mapipigilan o mapapanagot ang mga nagpapakalat ng fake news online.
Para sa mga lehitimong mamamahayag, kailangan lang na mahigpit na maipatupad ang mga umiiral na batas.
Ayon naman sa ilang eksperto, dapat magtulong-tulong ang pamahalaan at maging ng iba’t-ibang legitimate media organization sa pagbibigay kaalaman o turuan ang mga gumagamit ng social media platform tungkol sa kanilang obligasyon.
Kaugnay nito, nabusisi sa pagdinig ang blog ni PCO Assistant Secretary Mocha Uson. Idinepensa naman ito ni PCO Secretary Martin Andanar.
Ipinanukala naman ni Senator Pacquiao na magkaroon ng registration ang mga blogger. Ngunit para sa KBP, imposible ang nais na ito ng senador.
Ipapatawag sa susunod na pagdinig ang Department of Information and Communications Technology tungkol sa draft executive order nito tungkol sa social media rules ng mga ahensya ng pamahalaan.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: bagong batas, online fake news, Senado