Bagong 100 peso bill, inilabas ng BSP

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 1903

REY_PERA
Makikita na sa sirkulasyon ang bagong 100 peso bill.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ginawa na nila itong mas matingkad na violet color upang hindi mapagkamalang isang libong piso.

Maliban sa kulay ay wala namang binago sa sukat, security features at printed designs.

Nagpaalala naman ang BSP na hindi na maaaring ipambayad ang mga perang inilabas pa noong 1985 subalit maaari pang ipapalit ang mga ito sa mga bangko hanggang sa katapusan ng 2016.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,