Backlog sa pagisyu ng bagong plaka, itinanggi ng DOTC

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 1558

LICENSEPLATE

Iginiit ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na nailalabas nila sa takdang oras ang mga plaka ng sasakyan at hindi rin sila nagkukulang ng suplay para sa pamamahagi ng mga ito.

SInabi ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na kaya nagkakaroon umano ng sinasabing backlog ay ang kabiguan ng mga car dealer na kunin ang mga bagong plakang na nakatambak lamang sa bodega ng Land Transportation Office (LTO).

Kumpiyansa si Abaya na walang backlog sa pagisyu ng mga plaka dahil libo-libo ang nakatambak sa bodega ng LTO at hindi napi-pick up.

Dahil dito, isasapubliko ng DOTC sa susunod na linggo ang listahan ng mga dealer na hindi pa rin kumukuha ng mga bagong plaka.

Simula sa Abril 1, araw ng Miyerkules muling ipatutupad ng DOTC at LTO ang “no registration, no travel” policy.

Tags: , , ,