Dinala kaninang tanghali sa Cebu City Police Station ang isang babae dahil sa bomb joke habang ini-inspeksyon ang kanyang bag sa isang mall.
Kinilala ang babae na si Jasmin Sala, tatlumput pitong taong gulang, mula sa Mandaue City, may dalawang anak at isang production worker.
Magpapapicture lamang sana si Sala para sa pinoprosesong visa na gagamitin sa pagtatrabaho sa labas ng bansa.
Siya ay nakalabag sa presidential decree number 1727 na nagbabawal sa sinomang indibidwal na magbiro o magbigay ng flase information kaugnay ng bomba at iba pang explosive device.
Nagsisisi naman si Sala sa ginawa bomb joke at sinabing hindi niya alam na labag pala ito sa batas.
Umaasa naman ang mga otoridad na magiging aral ito sa publiko at hindi gagawa ng biro na katulad nito.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: Babaeng nagbiro na may dalang bomba sa isang mall sa Cebu, nasa kustodiya ng mga pulis