Awiting Likha ng isang dating ASOP grand finalist, pasok na sa monthly finals ng A Song Of Praise Year 8

by Radyo La Verdad | May 20, 2019 (Monday) | 3098

Rhap Salazar, interpreter ng “Libo-libong Tala” na komposisyon ni
Carlo David

METRO MANILA, Philippines –  Lubhang napahanga ang mga hurado ng ASOP Year 8 sa likhang-awit ni Carlo David na “Libo-libong Tala,” para sa kanila, maituturing na inspirational, powerful at enchanting ang nasabing awitin.

Ayon kay Carlo, malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil sa pangalawang pagkakataong ipinagkaloob sa kaniyang makalikha ng praise song para sa Dios na Maylalang.

Una nang naging grand finalist ang awiting likha rin ni Carlo na may pamagat na “Dahil Sa’yo” sa ASOP year 6.

“I was very excited nung nalaman ko na magiging part ng producer’s pick episode yung libo-libong tala. I guess ganon talaga yung Panginoon, He gives you second chances and it comes in the most unexpected moments kaya I’m very grateful for the opportunity and I’m praying for whatever His will is for the song.” Ayon kay Carlo David, composer ng “Libo-libong Tala.”

 Positibo naman ang komento ng mga hurado sa awiting likha ni Carlo.“My three words are to describe the song, disney, sounds like, source.” Kumento ni Pinky Amador .

 “Inspirational, powerful, enchanting.” Kumento ni Moy Ortiz.

“Ako naman, beautiful, beautiful, beautiful.” Ayon naman kay Doc Mon.

Samantala, bagaman naging challenging para sa interpeter ng awiting Libo-Libong Tala na si Rhap Salazar, damang-dama rin nito ang mensaheng nais ipaabot ng awitin.

“Mare-relate mo talaga siya sa personal mong buhay. Hindi lang siya kumbaga hindi lang yung composer yung nagsasalita eh kaya lagi kong sinasabi na mabilis kong na-own yung song kasi sobrang damang-dama ko siya kaagad and I’m also here as interpreter na parang bigyan ng justice yung song and to spread the inspiration to everyone.” Pahayag ni Rhap Salazar na Interpreter ng Libo-libong Tala.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,