Atty. Rey Bulay, itinalaga bilang bagong Comelec Commissioner

by Radyo La Verdad | November 15, 2021 (Monday) | 5188

METRO MANILA – Inanunsiyo ng Malacañang ang pagtalaga kay Attorney Rey Echavarria Bulay bilang bagong Commissioner ng Commission on Election (Comelec) nitong November 11, 2021.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, papalitan ni Bulay si Commissioner Luie Tito Guia.

Si Commissioner Bulay ay nakapagtapos ng abogasya sa San Beda College. Naging commissioner din siya ng Presidential Commission on Good Government at kasalukuyang chief prosecutor sa lungsod ng Maynila.

Dagdag pa ng chairman, napapanahon ang pagtalaga sa kanya sa Comelec En Banc dahil sa paghahanda para sa Eleksyon 2022.

Malaki ang maitutulong ng kanyang karanasan sa pagpapatupad ng batas sa nasabing komisyon upang magkaroon ng kaayusan, mapayapa, at ligtas na eleksyon.

Makakasama ni Commissioner Bulay sa Comelec En Banc ang mga kapwa commissioner na sina Rowena Guanzon, Socorro Inting, Marlon Casquejo, Antonio Kho Jr., at Aimee Ferolino.

Sa ngayon ay inaasikaso ng palasyo ang kanyang appointment paper at inaasahan na matatapos ang kanyang termino sa February 2,2027.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,