Nagpaalam na sa kaniyang mga kasamahan at kawani sa Korte Suprema si incoming Ombudsman at Associate Justice Samuel Martires kaninang umaga.
Sa kaniyang farewell speech sa flag raising ceremony kanina, pinasalamatan ni Martires ang mga kawani maging ang kaniyang mga kasamahan sa kataas-taasang hukuman.
Sinabi ni Martires na hindi niya inaasahan na maitatalaga siya bilang associate justice ng SC. Magiging prayoridad aniya bilang bagong Ombudsman ang resolusyon ng mga pending na kaso.
Kabilang dito ang mga alegasyon ni Atty. Edna Batacan na isang Ombudsman aspirant na nagsabing may nangyayaring bayaran ng ‘parking fee’ na ginagamit upang ma hold ang kaso.
At upang mabinbin ang resolusyon ng mga ito, si Martires ang papalit kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Siya rin ang unang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong nakaraang Mayo ay isa si Martires sa walong justice ng Korte Suprema na bumoto pabor sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Tags: Associate Justice Samuel Martires, Korte Suprema, Ombudsman