ASOP 2014 best interpreter Beverly Caimen, excited ng magperform sa “Songs for Heroes” concert mamaya.

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1949

IMAGE_UNTV-NEWS_06252014_SHANNE-VELASCO-AND-BEVERLY-CAIMEN.png EDITED

Mamayang  7:00 ng gabi na ang pinaka-aabangang concert-for-a-cause na “Songs for Heroes” sa SM Mall of Asia Arena.

Nagpahayag na ng excitement ang isa sa performer nitong si Beverly Caimen, ang ASOP Music Festival 2014 best interpreter.

Magkahalong sabik at kaba ang nadarama ngayon ni Beverly dahil naiisip  nya na ang kanyang magiging emosyon sa harap ng pamilya ng gallant  SAF 44.

Makaka-duet  ni Beverly mamaya  ang isa pa niyang kasabayang  ASOP  interpreter na si Shanne Velasco sa isang madamdaming bilang.

Malaki ang pasasalamat ni Beverly sa ASOP  dahil nagbigay daan ang kanyang exposure dito sa ilang oportunidad sa kanyang career.

Abangan din mamaya  sina Beverly Caimen at Shanne Velasco sa Good Morning Kuya upang mag-promote ng “Songs for Heroes” benefit concert. ( Adjes Carreon  UNTV News Worldwide )

Tags: , , , , ,