Mamayang 7:00 ng gabi na ang pinaka-aabangang concert-for-a-cause na “Songs for Heroes” sa SM Mall of Asia Arena.
Nagpahayag na ng excitement ang isa sa performer nitong si Beverly Caimen, ang ASOP Music Festival 2014 best interpreter.
Magkahalong sabik at kaba ang nadarama ngayon ni Beverly dahil naiisip nya na ang kanyang magiging emosyon sa harap ng pamilya ng gallant SAF 44.
Makaka-duet ni Beverly mamaya ang isa pa niyang kasabayang ASOP interpreter na si Shanne Velasco sa isang madamdaming bilang.
Malaki ang pasasalamat ni Beverly sa ASOP dahil nagbigay daan ang kanyang exposure dito sa ilang oportunidad sa kanyang career.
Abangan din mamaya sina Beverly Caimen at Shanne Velasco sa Good Morning Kuya upang mag-promote ng “Songs for Heroes” benefit concert. ( Adjes Carreon UNTV News Worldwide )
Tags: ASOP, Beverly Caime, Gallant 44, SAF 44, Shanne Velasco, Songs for Heroes