Asian Games gold medalist na si Hidilyn Diaz, magbabalik-bansa ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 4080

File photo from Hidilyn Diaz FB Page

Inaasahan mamayang gabi ang pagbabalik bansa ni Hidilyn Diaz, bitbit ang isang gintong medalya mula sa nagpapatuloy na  2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia.

Si Hidilyn ang nakakamit ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa palaro.

Ito ay matapos manguna si Diaz laban sa labing isa pang kalahok mula sa iba’t-ibang bansa para sa weightlifting sa women’s 53-kilograms event.

Higit anim na milyong piso rin ang matatanggap si Diaz mula sa pamahalaan sang-ayon sa Republic Act 10699, Philippine Olympic Committee, Siklab Foundation at Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hoong.

Bukod dito, nagkamit din ang Pilipinas ng dalawang pang gold medals para sa larong golf at labingdalawang bronze medals sa iba pang event sa 2018 Asian Games.

Base sa dami ng gintong medalyang natanggap, panglabingsiyam na ang Pilipinas sa tatlumpu’t limang bansang naglalaban-laban para sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Inaasahan na darating si Hidilyn Diaz sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bandang alas sais y medya ng gabi mamaya lulan ng Philippine Airlines PR 540.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,