Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon sa iba’t ibang bahagi ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Ito ay dahil sa isasagawang tatlong araw na ASEAN Chief Justices Meeting na magsisimula ngayong araw.
Tatalakayin sa pagpupulong ang mga kasunduan patungkol sa climate change na nakakasakop sa mga bansang kasapi sa asean.
Pag-uusapan din ang implikasyon ng Paris agreement na naglalayong bawasan ang epekto ng global warming at climate change na nagdudulot ng lubhang mapaminsalang kalamidad gaya ng malalakas na bagyo.
Tatalakayin din ang panukalang magkaroon ng sama-samang pagsasanay ang mga huwes sa buong ASEAN sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa kalikasan.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: ASEAN Chief Justices Meeting sa Palawan, simula na ngayong araw