Asahan na ang mabigat na trapiko sa ilang kalsada sa Pasig City — MMDA

by Radyo La Verdad | April 12, 2017 (Wednesday) | 4221


Nagbabala naman ang MMDA sa mga motorista sa Pasig City.

Sa abiso ng ahensya, asahan na ang mabigat na trapiko sa ilang kalsada sa lungsod dahil sa mga isasagawang aktibidad ngayong araw, sa Biyernes at sa Linggo.

Kabilang na rito ang R. Jabson Street, Plaza Rizal Intersection, Caruncho Avenue, A. Mabini Street, Dr. Pilapil Street, M.H Del Pilar Street, Lopez Jaena Street, Dr. Garcia at E. Santos Street, Sta. Rosa de Lima Bridge, F. Manalo at E. Angeles at Dr. Maldo Street.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

Tags: , , ,