METRO MANILA, Philippines – Magsasampa ng reklamong paglabag sa Ease of Doing Business Act sa office of the ombudsman ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa isang provincial governor.
Ang naturang Local Chief Executive ay partikular na lumabag sa nararapat na processing time at zero-contact policy sa mga business permit.
Mula ng mag-umpisa si Jeremiah Belgica bilang pinuno ng ARTA, nasa 7 kaso na ang naihain nito laban sa mga kawani a t opisyal ng pamahalaan.
Bukod dito, target din ng ARTA na magsampa ng reklamo linggo-linggo laban sa mga erring government officials.
Sa unang paglabag sa Ease of Doing Business, posibleng patawan ng 6 na buwang suspensyon ang isang kawani ng pamahalaan.
Subalit sa pangalawang paglabag, pagkatanggal sa pwesto, permanenteng disqualification sa Public Office, pagkakakulong ng 1 – 6 na taon at multang P500,000 hanggang isang P1M ang kakaharaping parusa.
Samantala, 3 government agencies naman ang pinakatutukan ng ARTA sa mga nakalipas na buwan na nangangailangan ng reporma pagdating sa usapin ng Ease of Doing Business.
(Rosalie Cos | UNTV News)