Kinoronahan bilang Miss USA 2016 ang isang army officer at IT analyst mula sa District of Columbia.
Ang 26 years old na si Deshauna Barber ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa mga hurado dahil sa confident nitong sagot sa tanong kung ano ang kanyang pananaw sa mga babaeng combatants sa US Military.
Ayon kay Barber, hindi limitasyon ang kasarian sa pagiging miyembro ng US Army.
Samantala hindi naman napigilan maluha ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach ng mamaalam na sa kanya ang dating Miss USA na si Olivia Jordan.
Sa instagram post ng Miss Universe nagpasalamat si Pia kay Jordan at sinabing mamiss ito ng sobra
(UNTV RADIO)
Tags: Deshauna Barber, Miss USA
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com