Armed Forces of the Philippines, naka offensive mode na laban sa New People’s Army

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 1734

Iniutos na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa mga sundalo sa ground na paigtingin ang focus military operations, itoy upang mapigilan ang sunod-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, maraming nadadamay na sibilyan at nasisirang business establishments sa  ginagawang pag atake ng NPA.

Aniya, tukoy na rin ng AFP ang mga ligal na organisasyon na sumusuporta sa NPA.

Matatandaang sunod-sunod ang ginawang pag-atake ng NPA nitong mga nakaraang araw kabilang sa Municipal Police Station sa Binuangan Misamis Oriental, Maasin Iloilo at sa Camarines Norte.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,