Arcson Towing Services, sinuspinde ng MMDA

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 1218

mmda-logo
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Aurthority ang Arcson Towing Services matapos itong mag-viral sa social media.

Inirereklamo ng mga motorista ang towing company dahil minamaneho ng mga tauhan nito ang sasakyan na kanilang hinahatak.

Ayon sa MMDA, labag sa patakaran ang ginagawa ng naturang towing company dahil wala itong karapatan na pumasok sa sasakyan at maupo sa driver seat.

Nilinaw ng MMDA na ang naturang towing company ay hindi nila mga tauhan at accredited lamang ng ahensya.

Tags: ,