Ginugunita sa buong bansa ngayong araw ang kabayanihan ng mga matatapang na Pilipinong naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, dahil sa pagbubuwis ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng ating bansa.
Taon-taong ipinagdiriwang ang National Heroe’s Day tuwing ika-apat na lunes ng buwan ng Agosto.
Itinakda ito sa anibersaryo ng simula ng Sigaw ng Pugad Lawin noong 1896 na hudyat rin ng pagsisimula ng pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa pananakop ng mga Espanyol.
Noong 1995, itinatag ang National Heroes Committee upang italaga ang mga Pilipinong kabilang sa hanay ng mga pambansang bayani.
Pinangungunahan ito nina Jose Rizal at Andres Bonifacio na nanguna sa pakikipaglaban sa pamumuno at pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Ilang pa sa mga ito ay sina Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang.
Inaasahan ang ilang aktibidad kaugnay ng naturang selebrasyon sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas gaya ng mga parada at pag-aalay ng bulaklak sa mga.
Nakatakda ring magsagawa ng wreath laying si Pangulong Rodrigo Duterte sa libingan ng mga bayani kung saan inaasahang magsimula ang programa bandang alas otso ng umaga.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: Araw ng mga Bayani, Jose Rizal, Pilipinas