Apat na US Marine na testigo sa kasong murder laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, sumalang na sa witness stand

by Radyo La Verdad | May 19, 2015 (Tuesday) | 1688

IMAGE_Jan282015_UNTV-News_OLONGAPO_PNP_JOSEPH-SCOTT-PEMBERTON
Tumestigo na ang apat na US Marine na sinasabing kasama ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Unang sumalang si Lance Corporal Jairn Michael Rose na isa sa kasama ni Pemberton na bumaba ng barko para sa kanilang liberty time noong gabi ng October 11, 2014.

Pinagtibay ng naturang US Marine ang kanyang naunang salaysay hinggil sa mga pangyayari ng gabi na napaslang si Jeffrey Laude.
3:30pm ng October 11, 2014 nang bumaba sila ng barko kasama sina Pemberton, Corporal Miller at si Corporal Daniel Fabian Pulido.

Kumain muna sila sa isang restaurant at pagkatapos ay nag-shopping sa isang mall sa SBMA at pagkatapos ay tumuloy na sa Magsaysay drive sa Olongapo City.

Habang nasa Magsaysay ay nagpa-spa sila at pagkatapos ay pumasok sa isang bar bago tumuloy sa Ambyanz Bar ang lugar kung saan nakilala ni Pemberton si Jeffrey Laude alyas Jennifer.
Ngunit 2 lang ang nadatnan ni Rose at wala pa rin si Pemberton kaya ipinasya na nilang iwan na ito.

12:10am ng makabalik sa barko at dito ay sinita sila ni Corporal Miller kung bakit late ng dumating at hindi kasama si Pemberton.

Nabanggit din sa salaysay ni Rose na bago matulog ay nakausap nya si Pemberton at ipinagtapat sa kanya ang nangyari sa Cellzone lodge at sinabing “I think I killed he/she”.

Ipana-demonstrate din ng korte kay Rose kung paano ginagawa ng isang sundalo ang arm lock, na siyang ginawa umano ni Pemberton kay Laude bago ito lunurin hanggang sa mamatay.

Pangalawang sumalang sa witness stand si Corporal Christopher Miller.

Si Corporal Miller ang nakapansin sa grupo ni Lance Corporal Rose na late ng bumalik ng barko at hindi kasama si Pemberton.

Sumunod na sumalang sa witness stand sina Lance Corporal Bennett Erik Dahl at si Corporal Daniel Fabian Pulido.

Pinatotohanan naman ng dalawa ang pahayag nina Rose at Miller

Ayon sa prosekusyon at kampo ng pamilya Laude, mahalaga ang mga salaysay ng mga ito dahil lalung palalakasin ang ebidensya laban kay Pemberton.

Sa susunod na buwan ay inaasahang ang depensa naman ang magpi-presenta ng kanilang mga ebidensya ( Joshua Antonio / UNTV News )

Tags: , , , ,