Nilamon ng malaking apoy ang hardware na ito sa Sipocot, Camarines Sur pasado alas-kuwatro ng madaling araw kanina.
Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula sa apoy dahil puno ng thinner, pintura at iba pang flammable liquids ang nasunog na hardware.
Kinilala ang mga nasawi ang may-ari ng tindahan na si Antonio Lipiao, 70 years old; ang asawa nitong si Alicia, 69 years old; at dalawang apo na sina Rayen Shobi, dose-anyos at Raven Alexi Espiritu, 11 taon gulang.
Ayon naman sa Bureau of Fire Protection, hindi agad nakalabas ang mga biktima dahil nakakandado ang fire exit.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula sa cashier area ang sunog na sanhi umano ng nag-short circuit na linya ng kuryente.
Tinatayang aabot sa mahigit dalawang milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog na umabot sa second alarm.
(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)
Tags: apat, Camarines Sur, sunog sa Sipocot