Anzac Day, ginugunita ngayong araw sa New Zealand

by Radyo La Verdad | April 25, 2018 (Wednesday) | 2733

Isang espeyal na araw para sa mga Australian at New Zealanders ang ika-25 ng Abril.

Ito ang isa sa pinakamalalaking selebrasyon sa dalawang magkalapit na bansa taon-taon kung saan inaalala ang mga miyembro ng Armed Forces na naging bahagi ng unang digmaang pandaigdig.

Ayon sa Auckland Council, mayroong higit sa 80 Anzac Day parades at services ang gaganapin sa buong rehiyon ng Auckland ngayong araw.

Sa Auckland War Memorial Museum, ang dawn service ay nagsimula kaninang ika-5:30 ng umaga mula sa Cenotaph Road hanggang sa Court of Honour Service.

Nagkaroon ng parada na kinabibilangan ng veterans, defence force, kadete at ilang youth organizations.

Bukas rin ang War Memorial Museum na maaring bisitahin ng mga turista. Sa mga nais na pumasyal upang makita ang mga collections at exhibitions sa loob nito, bukas ang War Memorial Museum hanggang alas 5 ng hapon.

 

( Elsie Marcos / UNTV Correspondent )

Tags: , ,