Hihilingin ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik uli sa kanila ang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.
Ito ay kung muli aniyang lalala ang problema sa iligal na droga ngayong unalis na sila sa eksena.
Nagpa-una naman ang PNP chief kung sila ay babalik sa operasyon hindi parin maiiwasan na may masawi lalo’t malalagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga tauhan.
Binigyang-diiin nito na pinahahalagan ng PNP ang buhay ng isang indibidwal.
Nilinaw naman ni General dela Rosa na malaki ang tiwala nila sa PDEA at handa silang tumulong.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: anti-illegal drugs operations, pdea, PNP