Anim patay, 2 nawawala dahil sa flash floods sa Texas na sanhi ng severe storm system

by Radyo La Verdad | November 2, 2015 (Monday) | 1488

photo-copyright
Umakyat na sa anim na ang naitalang patay sa Texas dahil sa flash floods matitinding pag ulan na naranasan estado simula pa noong Biyernes.

Ang severe storm system ay pinalakas pang lalo ng papalayong Hurricane Patricia na nanalasa sa Mexico.

Itinuturing na historic ang Hurricane Patricia dahil sa category 5 status nito.

Binaha ang ilang lugar pati na ang mga highway dahil sa pag apaw ng mga ilog na naging dahilan para lumikas ang ilang mga residente.

Kinansela naman ang ilang flights sa mga paliparan ng syudad dahil sa mga twister predictions ng us weather services.

Mahigit sa 130 na highwater rescues na ang naitala ng Houston fire department mula pa noong biyernes ng gabi at ilang dosenang mga bahay at istruktura na ang lumunog sa baha maging sa labas ng syudad.

Bukod sa malalakas na ulan at flashfloods, ilang buhawi din ang nanalasa sa San Antonio noong Sabado na naging dahilan para magiba ang ilang mga gusali.

Samantala dalawang tao ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad matapos mawala ang mga ito sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Kabilang dito ang isang babae na mula sa Travis County.

Gumagamit na rin ng drone ang mga otoridad upang ma-cover ang mas malaking search area.

Wala pa namang napapaulat na mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at patuloy ang pakikipagugnayan ng ating konsulado sa mga awtoridad upang masigurong ligtas ang mga Filipino-American sa Texas.(Lena Ramos/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,