Andy Murray, uusad na sa Australian open semi-finals matapos talunin si David Ferrer

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 4693

Andy-Murray
Umusad si Andy Murray ng Great Britain sa last four ng Australian open sa ika-anim na pagkakataon.

Ito ay matapos na talunin niya sa mahigpit na sagupaan si David Ferrer sa quarterfinals sa score na 6-3 6-7 at 6-2.

Dalawang Briton ngayon ang nakapasok sa semifinals ng Australian open sa Melbourne Park sa unang pagkakataon mula noong 1977.

Una nang tiniklop nitong miyerkules ng British player na si Johanna Konta ang Chinese qualifier na si Zhang Shuai, 6-4 6-1

Sa paghahangad na makarating ng finals, kailangan ni Murray na magwagi laban kay Milos Raonic na tinalo si Gale Monfils 6-3 3-6 6-3 6-4.

Ito ang unang semifinals appearance ni Raonic sa Australian

Tags: ,