Andy Murray, target na makuha ang Australian Open Title

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 754
Andy Murray(REUTERS)

Andy Murray(REUTERS)

Target ni Andy Murray na mapagwagihan ang mailap sa kanyang Australian Open Title.

Ngunit inamin ng Briton na ang pangarap na ito ay mangyayari lamang kung magiging masama ang performance ng defending champion na si Novak Djokovic.

Hawak ni World Number One Djokovic ang tatlo sa apat na grandslam crowns nitong nakalipas na 2015.

Sinimulan ni Djokovic ang 2016 season sa pamamagitan ng straight sets na pagwawagi kay Rafa Nadal sa Qatar open nito lamang nakaraang lingo.

Umaasa si Murray na hindi na maulit ang pagpapadapa sa kanya ni Djokovic sa finals sa Melbourne Park ng nakaraang taon at noong 2011 at 2013.

Tags: ,