Andal Ampatuan Sr., patay na

by dennis | July 17, 2015 (Friday) | 1203
photo credit: Philippine Center for Investigative Journalism(PCIJ)
photo credit: Philippine Center for Investigative Journalism(PCIJ)

Patay na si Andal Ampatuan Sr., ang pangunahing suspek sa madugong Maguindanao Massacre.

Ito ang ipinahayag ng abogado ng pamilya Ampatuan na si Atty. Ferdinand Topacio

“It is with deep sadness that I announce to the public that former Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. has passed away a few minutes ago,” pahayag ni Topacio.

Ililibing si Ampatuan Sr. batay sa kaugaliang Islam.

Matatandaang isinugod si Ampatuan Sr. sa National Kidney and Transplant Institure noong Hunyo 5, dahil sa kanser sa atay at inilipat sa intensive care unit matapos ma-comatose nitong nakaraang Lunes.