Anak ni Whitney Houston, patay na

by dennis | July 27, 2015 (Monday) | 940
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Binawian na ng buhay ang kaisa-isang anak ni Whitney Houston at R&B singer Bobby Brown, July 26, 2015 .

Ayon sa representative ng pamilya Houston na si Kristen Foster, namatay si Bobby Kristina Brown, 22 anyos, habang napapalibutan ng kanyang mga kaanak.

“She is finally at peace in the arms of God. We want to again thank everyone for their tremendous amount of love and support during these last few months,” ito ay batay sa opisyal na pahayag ng pamilya Houston.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuang nakahandusay sa bathtub sa kanilang suburban Atlanta townhome si Bobby Kristina noong ika-31 ng Enero.