Anak ng barangay kagawad, arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Quezon City

by Radyo La Verdad | August 22, 2018 (Wednesday) | 2640

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng Kamuning police sa Barangay Pinyahan, Quezon City kagabi si Zachary Fajardo.

Nakuha mula kay Fajardo ang walong sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng anim na libong piso. Ang suspek ay anak ng isang incumbent barangay kagawad sa lugar.

Samantala, arestado naman sa buy bust operation ng Cubao police ang mag-inang sina Malou Halin at Jayson Mabulogtong alyas Maowin. Nakuha sa dalawa ang walong sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa mga otoridad, parokyano umano ng mga ito ang ilang jeepney driver sa Cubao.

Todo tanggi naman ang mga suspek na sila nagbebenta ng iligal na droga.

Patuloy ang monitoring ng pulisya sa mga drug personality at hinikayat ang mga ito na sumuko na upang mabigyan ng pagkakataon na magbagong buhay.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,