Amiyenda sa local gov’t code, posibleng mas ikunsidera ng Senado kaysa charter change

by Radyo La Verdad | July 26, 2018 (Thursday) | 5421

Napagkasunduan ng mga senador na hindi ititigil ang mga pagdinig kaugnay ng panukalang charter change.

Ayon kay Senator Bam Aquino, sa kabila ng pagpapatuloy ng mga pagdinig, maaaring maikonsidera rin ng Senado ang pag-amiyenda na lamang sa local government code.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, hihintayin muna nila ang ulat na manggagaling sa Senate Committee on Constitutional Amendments.

Ito ang pagbabatayan ng mga senador para sa pagkakaroon ng matibay na posisyon kaugnay ng pagsusulong ng charter change. Hindi rin aniya magbabago ang posisyon ng Senado tungkol sa no election scenario sa 2019.

Ayon pa kay Sotto, malabo pang umusad ang panukalang charter change sa Senado ngayong taon.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,