American Swimmer Ryan Lochte, sinuspinde ng 10 buwan ng Olympic Committee

by Radyo La Verdad | September 8, 2016 (Thursday) | 714
American Swimmer Ryan Lochte(REUTERS)

American Swimmer Ryan Lochte(REUTERS)

Sinuspinde ng sampung buwan si American Swimmer Ryan Lochte ng US Olympic Committee at USA Swimming.

May kinalaman ang kanyang suspension sa scandal na kinasasangkutan ng US Olympic athlete at tatlong iba pang swimmers sa Rio Olympic Games.

Apat na major sponsors ang kaagad na bumitiw sa 32 taong gulang na si Lochte matapos na aminin nito na over exaggerated ang kanyang kuwento na ninakawan siya at tinutukan ng barila kasama ang tatlong iba pang US swimmers.

Naganap umano ang insidente matapos ang party sa Rio Olympics.

Tags: , ,