American national sugatan sa motorcycle accident sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 1217

REYNANTE_AMERICAN-NATIONAL
Isang American national ang nasugatan matapos bumangga siya sa concrete barrier ang minamaneho nitong motorsiklo sa Kaingin Road sa Balintawak Quezon City mag-aalas dos ng madaling araw.

Ayon sa mga nakasaksi mabilis ang takbo ng biktima na bigla na lamang bumangga sa concrete barrier sa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng impact tumilapon ang biktima mula sa motor nito.

At dahil walang helmet ang biktima, nagtamo ito ng sugat sa ulo, idinadaing din nito ang binti, agad naman itong nilapatan ng paunang lunas ng stat care rescue ang mga pinsala ng biktima at pagkatapos ay dinala ito sa Q.C General Hospital.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,