Alert Level 1 sa NCR, posibleng ipatupad sa Disyembre – Sec. Duque

by Radyo La Verdad | November 10, 2021 (Wednesday) | 3115

METRO MANILA – Naglalaro na lang sa mahigit kumulang 2,000 ang naitatalang kaso ng covid-19 nitong nakalipas na mga araw . Ayon kay Health Sec Francisco Duque III kapag nagpatuloy ang pagbaba ng kaso.

Ang Metro Manila na epicenter na pandemya ay posibleng ibaba pa sa Alert Level 1 sa Disyembre .

Paalala ni Sec Duqe, upang mangyari ito dapat laging isipin ng publiko na umiiral pa rin ang COVID-19.

Kailangang maging responsable pa rin sa pagsunod sa health protocols kontra COVID-19.

Ayon pa sa kalihim mas mahigpit ang monitoring ngayon ng mga eksperto sa case trend lalo’t mas madami nang muli ang lumalabas ng bahay.

Samantala, kaugnay naman sa hindi na pag-oobliga sa pagsusuot ng face shield policy.

Sinabi ng DOH na dapat ibatay din angpagpapatupad nito sa sitwasyon at higpit ng alert level system.

“”Kung ako ang tatanungin, ito personal I have to qualify pwedeng gawing voluntary under certain circumstances siguro Alert Level 2 pero iyong mga 3Cs kailangan parin tayong mag- face shield diyan, so closed spaces, ok. Kung nasa mga lugar ka na ang benitlasyon hindi naman sapat at maraming tao ay hindi mo ma- maintain 1 meter social distancing edi ba mas maganda iyong karagdagang proteksyon taglay ng face shield” ani DOH Sec Francisco Duque III.

Bukas, ilalabas naman ng technical advisory group ang kanilang rekomendasyon kung ipagpapatuloy ang mandatory face shield policy o depende sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,