MANILA, Philippines – Ipinaaalis ni Senator Pia Cayetano sa mga tindahan ang mga alcoholic flavored beverage na ang packaging ay katulad ng mga juice drink.
Nangangamba ang mambabatas na mainom ito ng mga bata o di kaya ay maabuso ng mga menor de edad. Kaya nais niyang palitan ang packaging ng naturang mga produkto.
“Lahat naman tayo nag-go-grocery nasama diyan si alcopops makulay yung kahera you think madi-distinguish niya na ay alcopops to sandali ilang taon ka na ba.” ani Senator Pia Cayetano.
Si Philippine Amalgamated Supermarket Association President Steven Cua hindi nagtitinda ng mga Alcopop na nasa doy pack. Pero hindi naman niya maaring utusan ang kanilang mga miyembro na alisin sa kanilang mga tindahan ang naturang mga produkto dahil wala naman itong nilalabag na batas.
“Free enterprise tayo eh we carry what the market wants again as long as it is not illegal or elicit.” ani Philippine Amalgamated Supermarket Association President Steven Cua.
Samantala sa mga susunod na pagdinig ng senado iniimbitahan ng senadora ang mga manufacturer ng alcopop upang mabigyan sila ng pagkakataon na maipaliwanag ang panig hinggil dito.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: beverages