Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo, ideneklara ng wanted person ng PNP

by Radyo La Verdad | May 8, 2019 (Wednesday) | 6400
Photo: Carlwyn Baldo Facebook page

ALBAY, Philippines – Idineklara na ng Philippine National Police na isang wanted person si Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo. Ito ay matapos na hindi matagpuan ang Alkalde nang ihain ang warrant of arrest sa kanilang bahay sa Brgy. Tagas, Daraga, Albay kahapon kaugnay sa kasong double murder and six counts of attempted murder na ipinalabas ng Regional Trial Court.

Ayon kay PLTCOL Rodelon Betita ang Chief of Police ng Daraga Municipal Police Station, hindi na nila matagpuan si Mayor Baldo para mai-serve ang warrant of arrest.

Si Carlwyn Baldo ang tinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at sa aide nitong si SPO2 Orlando Diaz noong Disyembre 22, 2018.

Si Batocabe ang isa sa mga kalaban ni Baldo bilang Mayor o Alkade sa bayan ng Daraga ngayong darating na Mid-term Elections.

Dahil sa nangyari ang asawa nitong si Gertrudes Batocabe ang pumalit sa kandidaturya ng napaslang na Alkalde sa isang text message kinompirma ni PltCol. Rodelon Betita na nagtatago si Baldo.

Samantala dahil sa warrant of arrest muling suspendido si Baldo bilang alkalde ng Daraga, Albay pansamatalang papalit sa kanyang pwesto si Vice Mayor Victor Perete habang binibigyan naman ng apat na araw si Baldo na magpakita sa korte bilang bahagi ng Rule of Succession at kung sakaling mabibigo si Baldo tuluyan nang papalit sa kanyang pwesto bilang Acting Mayor si Perete

(Alan Manansala | UNTV News Bicol)

Tags: , ,