Alamin: Panuntunan sa holiday pay, 13th month pay at bonuses ng mga empleyado

by Radyo La Verdad | October 23, 2019 (Wednesday) | 3281

Labing siyam ang kabuong bilang ng holidays sa bansa ngayong taon alinsunod sa proclamation no. 555 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

10 dito ang regular holidays at 9 ang special (non- working days).

Paliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE), dapat alam ng mga empleyado ang kaibahan ng dalawa pagdating sa kanilang matatanggap na holiday pay.

Ayon kay Dir Teresita Cucueco ng DOLE Bureau of Working Conditions, double pay ang matatanggap mo kapag nagtrabaho ka ng holiday. Kung nataong day-off mo ito at pumasok ka pa rin, may dagdag pang 30% sa dapat mong sahurin. Kung hindi ka naman pumasok, dapat makuha mo pa rin ang sahod mo sa araw na yun at hindi ka dapat kaltasan.

Kapag special non-working days naman gaya ngayong November 1 and 2, may dagdag na 30% sa iyong makukuhang sahod kapag ikaw ay pumasok. Kung nataong day-off pero nagtrabaho pa rin, may dagdag na kalahati ng iyong arawang sahod.

Mag-a-apply naman ang “no work, no pay” rule kapag hindi ka pumasok.

Sa mga bihirang pagkakataon, kung saan natapat sa isang petsa ang dalawang holiday, triple pay ang dapat matanggap ng empleyado kapag sila ay pumasok.

“It only comes during a very peculiar period like if it’s a double holiday and this is very specific lang. It’s either on a month boly Thursday, good friday at pumatak pa sa araw ng kagitingan. Kapag nangayri iyan then tha becomes times 300% if they will work,” ani Dir. Teresita Cucueco, Bureau of Working Conditions, DOLE.

At dahil ber months na, pinakahihintay rin ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay na katumbas  ng isang buwanang sahod.

Ayon sa DOLE, nakasaad sa labor law na ang 13th month pay ay dapat maibigay ng december 24 o mas maaga pa.

“ We are asking the employers it’s in the law the 13th month pay. It’s supposed to really be a part of the cost of the operations of any company. They should give it, these are workers who have worked for the year and they deserve it,”  dagdag ni Cucueco.

Ang iba pang mga bonus gaya ng Chairman’s bonus ay hindi naman aniya mandatory ito ay boluntaryong ibinibigay o kasunduan na lamang sa pagitan ng employer at mga employee. Mapagbigay ang employer mo kapag natanggap mo ito.

Umaasa naman na maipapasa na ngayong taon ang  panukalag 14th month pay.

“Malaking bagay kapag iyong ating kasalukuyang 13th month pay ay madadagdagan ng isa pang tinatawag na 14th month pay dahil malaking tulong ito para sa mga manggagawa na nahihirapan na sa mataas na presyo ng mga bilihin at halaga ng mga serbisyo,” ani Alan Tanjusay, Spokesman, ALU-TUCP.

Panawagan ng DOLE sa mga empleyado, ireklamo sa kanilang tanggapan ang mga employer na nagbibigay ng delayed na 13th month pay o kaya ay hindi nagbabayad ng tamang halaga sa mga empleyadong nagtatrabaho kahit holiday.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,