Alamin: Happiest Countries sa mundo ngayong 2019

by Radyo La Verdad | May 20, 2019 (Monday) | 1046

METRO MANILA, Philippines – Sa pagdaan ng panahon, marami na ang nagpakahulugan sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging masaya.

Iniuugnay ito sa iba’t-ibang bagay gaya ng kayamanan, kalusugan, makakasama sa buhay at seguridad. At marami ng institusyon ang sumubok na i-rank kung sino nga bang mga bansa ang matutukoy na pinakamasaya, isa na rito ang World Happiest Report ng United Nations.

Nag-ikot ulit ang UNTV News Team sa ibat ibang panig ng mundo upang ipakilala sa inyo kung ano-anong mga bansa ang pumasok sa Happiest Countries in the World ngayong 2019.

Ang bansang Ghana sa Africa umakyat sa pang 98 ngayon sa listahan mula sa dating pwesto nito na 108.

Ang bansang Vietnam naman umabante ng isang pwesto sa 94th place mula sa 95th noong nakaraang taon.

Bumagsak naman sa ranking ang Malaysia mula sa 35th spot noon, ngayon ay nasa 80th na, pero happy pa rin.

Medyo lumungkot naman daw ng kaunti ang Hongkong mula sa 71st place nito last year sa 76th place ngayong taon.

Mas sumaya naman daw ang mga Pilipino dahil sa 71st place noong 2018, nasa 69th place na ito ngayong 2019.

Mas masaya lang ng isang puntos ang bansang Russia sa Pilipinas na ngayon ay nasa 68th place naman sa Happiest Country in the World.

Hindi naman nagpatalo ang mga Oppa sa South Korea dahil nasa 54th place sila sa listahan.

Anim na pwesto naman ang ibinaba ng bansang Thailand mula sa dating pwesto nito na 46th place at ngayon ay nasa 52nd place, smile pa rin!

Napanatili naman ng bansang Singapore ang pwesto nito sa 34th place, second happiest country sa Asia ayon sa report.

Ang mga Brazilero naman nasa pang 32nd spot sa World Happiest Countries!

Nangunguna naman ang bansang Taiwan sa pinakamasayang bansa sa buong Asya na nasa 25th spot.

Pang number 19 naman ang The Land of Opportunity, ang Estados Unidos!

Bumaba naman ng dalawang spot ang bansang Ireland mula sa 14th place noong 2018, at ngayon ay nasa 16th na lamang, pero siyempre masaya pa rin.

Malungkot rin ng bahagya ang mga Australiano, mula sa top 8 noong 2018, ngayon ay rank 11 na lamang sila, ano masasabi nyo?

Mula naman sa 7th spot noong 2019, muntikan ng maalis sa top 10 ang bansang Canada na ngayon ay nasa top 9 na lamang.

Kung maituturing naman na may sexiest accent sa buong mundo ang New Zealand, pang walo naman sila sa happiest countries in the world.

Mas sumaya naman ang bansang Netherlands mula sa 6th place ay nasa 5th place na ito ngayon.

At sa ikalawang sunod na taon, nakuha na naman ng bansang Finland ang the unang pwesto sa happiest country in the world, congratulations!

Ang report na ito ng United Nations ay isa lamang pagaaral na sila rin mismo ang nagtakda ng mga batayan, pero ang tunay na batayanan ng kasiyahan ay hindi lamang masusukat sa yaman at kaunlaran kundi sa pagiging kontento, ano man ang meron tayo sa buhay.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: ,