Aksidente sa Commonwealth Avenue, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 1193

REYNANTE_TMBB
Isang aksidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Commonwealth Avenue sa Brgy. Batasan Hills Quezon City pasado alas onse kagabi.

Nagtamo ng bukol sa noo at sugat sa siko si Alan Gayo, 43 anyos, nang matumba ang kanyang motorsiklo matapos mabangga ang isang tumatawid sa lugar na barangay tanod na kinilalang si Rolando Ordas.

Nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ni Alan at pagkatapos ay tumanggi nang magpadala sa ospital.

Tinulungan naman Barangay Commonwealth Rescue si Ordas at dinala sa FEU hospital.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 5 mabilis ang takbo ng motorsiklo ni Alan at hindi na nito naiwasan ang tumatawid na si Ordas.

Handa namang sagutin ni Alan ang gastusin nito ni Rolando sa pagpapagamot sa ospital.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: ,