Inilunsad ngayong araw ng Department of Transportation ang bagong ruta ng airport premium bus simula Padre Faura sa Maynila patungong Ninoy Aquino International Airport simula terminal 1 hanggang terminal 4.
Araw-araw na bibiyahe ang airport shuttle service na magsisimula ng alas sais ng umaga hanggang alas onse ng gabi.
Ang bawat byahe ay may tig-dalawang oras na pagitan at ang pamasahe ay nagkakalahaga ng 200 pesos ang bawat isa.
Ang aiport premium bus ay inilunsad ng transportation department katuwang ang ilang pribadong grupo sa layuning mabigyan ng alternatibong transportasyon ang ating mga commuter.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: Airport premium bus, Manila to NAIA na, may byaheng Padre Faura