AFP, tiniyak ang kaligtasan ng mga kandidatong mangangampanya sa Mindanao

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1678

AFP-FACADE
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines ang kaligtasan ng mga kandidatong mangangampanya sa Mindanao kung saan may mga presensya ng mga armadong grupo.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, karamihan ng mga natukoy na election hotspots ay nasa rehiyon ng Mindanao, kung kaya’t minarapat ni AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri na kausapin ng personal ang mga tropa roon upang magabayan ang mga ito.

Dagdag pa ni Padilla, nais ni Iriberri na maging maliwanag sa mga sundalo ang mga dapat nilang gawin.

Sa ngayon ay wala pang natatanggap ang militar na impormasyon kaugnay sa posibleng pagbabanta sa mga kandidato.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,