AFP, pabor sa desisyon ni Pangulong Duterte na itigil ang pakikipa-usap para sa kapayapaan sa New People’s Army

by Radyo La Verdad | July 20, 2017 (Thursday) | 2303


Sang-ayon ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa pahayag ng pangulo na itigil na ang usapang pangkapayapaan sa New People’s Army.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, madalas na lumalabag ang New People’s Army dahil sa patuloy na pag atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Kahit na nga hindi ang mga ito combatant tulad ng dalawang sundalo na inatake ng NPA habang namamalengke sa Palawan.

Sinabi pa ni Arevalo na hindi seryoso ang npa sa usapang pangkapayapaan base sa mga ginagawa ng mga ito tulad ng extortion activities.

Bukod pa aniya ang pag atake sa sasakyan ng Presidential Security Group sa pamamagitan ng paglalagay ng checkpoint habang nakasuot ng pekeng uniporme ng Army sa Arakan North Cotabato.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,