AFP, nakatanggap ng bagong ambulansya at motorsiklo mula sa AFPMBAI

by Erika Endraca | October 12, 2021 (Tuesday) | 51

Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines ng bagong ambulansya at mga motorsiklo mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association Inc. (AFPMBAI).

Tinanggap ni AFP Chief of Staff General Jose Fautisno Jr. ang nagkakahalaga ng mahigit 7.6 Million na mga kagamitan sa Joint Turn Over and Blessing Ceremony na ginanap sa General Headquarters Canopy Area kahapon (October 11).

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng AFP sa Officers at Members ng AFPMBAI sa pag tulong sa mga sundalo sa paglaban sa pandemya.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)