AFP, naka-blue alert status na rin para sa Undas

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 1693

ara_afp

Naka-heigtened alert na rin ang Armed Forces of the Philippines para sa paparating na Undas.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Col. Restituto Padilla Jr., naka-blue alert na rin ang AFP augmentation troops bilang support group ng Philippine National Police na pangunahing responsable sa pagpapanatili ng seguridad sa Undas.

Ibig sabihin, naka standby for deployment ang augmentation troops ng hukbong sandatahang lakas ng pilipinas sakaling kailanganin.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,