AFP, naghahanda na para sa gagawing focused military operations vs NPA

by Radyo La Verdad | February 8, 2017 (Wednesday) | 1023


Ipinahayag ng AFP na planado ang isasagawa nilang all-out war laban sa New People’s Army.

Sinabi ni AFP Spokesman Edgar Arevalo na ang tanging miyembro lamang ng NPA na ayaw maisulong ang kapayapaan ang kanilang tutugisin.

Aabot sa limang libong NPA members ang target ng operasyon ng AFP.

Samantala, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana uunahin nilang arestuhin ang mga hindi susukong National Democratic Front of the Philippines consultant bago magsagawa ng operasyon.

Ayon kay Lorenzana bukas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga susukong rebelde.

Tags: , ,