AFP Joint Task Force – NCR, magpapakalat ng isang batalyong tauhan para sa seguridad ng Traslacion sa Quiapo

by Radyo La Verdad | January 4, 2018 (Thursday) | 4140

Aabot sa 500 tauhan ang i-dedeploy ng AFP Joint Task Force – NCR sa Martes para sa Traslacion sa Quiapo.

Ayon sa bagong commander ng AFP-NCR, katulong sila ng National Capital Region Police Office sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa paligid ng Quiapo.

Layon nito na masiguro ang seguridad ng libo-libong dumadalo sa prusisyon. Wala pa naman aniyang security threat silang natatanggap kaugnay nang okasyon sa Martes. Mananatili naman sa full alert status ang NCRPO at mahigit apat na libong tauhan nito ang ipapakalat sa Martes.

Kaugnay nito, irerekomenda din ng NCRPO kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa na suspendihin ang permit to carry firearms outside of residence sa lungsod ng Maynila.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,