AFP, inatasan na ang PMA na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni Dormitorio

by Radyo La Verdad | September 23, 2019 (Monday) | 3221

Mariing kinundena ng human rights group na Karapatan ang pagkamatay ni PMA 4th class Cadet Darwin Dormitorio noong September 18.

Namatay ang 20 anyos na cadete matapos magtamo ng matinding bugbog sa katawan dahil sa hazing.

Sa isang pahayag, sinabi ni Karapatan Deputy Secretary General Roneo Clamor na ipinapakita ng pagkamatay ni Dormitorio na talamak ang torture sa mga estudyante sa loob ng Philippine Military Academy (PMA). Para sa grupo, ang military trainings gaya ng Reserved Officers Training corps (ROTC) ay walang maidudulot na maganda dahil dadami lang umano lalo ang paglabag sa karapang pantao ng gobyerno at militar

fficers training corps o RPTC ay walang maidudulot na maganda dahil dadami lang umano lalo ang paglabag sa karapang pantao ng gobyerno at militar

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines sa naulilang pamilya ng kadete.

 Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal, Jr. na inatasan na nila ang PMA  na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa ikalulutas ng kaso ni Dormitorio.

Tiniyak ng AFP na lahat ng mga indibidwal na sangkot sa insidente ay mananagot at hindi nila kukunsintihin ang kahit anong gawain na magpapahamak sa buhay ng mga sundalo.

Magpapatuloy din ito sa kanilang mga hakbang para masiguro na tama ang imbestigasyon sa insidente at hindi ulit ito mangyari sa hanay ng PMA.

(April cenedoza | UNTV News)

Tags: ,