AFP, ginagarantiyang walang seryosong banta ng terorismo sa bansa

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 1478

RESTITUTO-PADILLA
Binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines na ang pagtataas ng alert level ng militar ay base sa namomonitor nitong banta ng terorismo o kaguluhan sa bansa.

Hanggang sa kasalukuyan, walang seryosong banta ng terorismo na nakakarating sa hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas

Ang pahayag na ito ay kaugnay ng world wide travel alert ng US State Department sa mga mamamayan nito, na pinapahuyan silang iwasang magbiyahe sa mga lugar kung saan may banta ng terorismo.

Gayunpaman, binigyang-diin naman ng AFP na kinakailangan pa ring maging alerto, maingat at manatiling nakikipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mga security force ng pamahalaan.

Ito ay upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa Pilipinas.

Tiniyak rin ni PNP Chief Ricardo Marquez na walang namo-monitor na anumang banta ng pag-atake ng mga terorista sa matataong lugar particular sa mga malls sa metro manila.

Reaksiyon ito ni Marquez sa mga naglabasang scare messages na aatake ang mga terorista sa mga pampublikong lugar sa kalakhang Maynila. (Rosaie Coz/ UNTV News)

Tags: , ,